Masaya ako. OO nga. Kahit hindi. Hahahah. :p Wala kong maisip na title eh, kaya "anu nga ba?" na lang nilagay ko. Di naman masama diba? ^^
2nd day ng pasukan. Ayos lang naman. Nakakainis lang talaga yung mga taong di mo malaman kung may sayad ba? O sadyang ganun lang kasama ugali nila? Ampp. OO na bad din ako kung minsan, at alam ko yun. Pero iba talaga eh. May mga tao talagang di marunong mag-isip. Na-gets mo? Kung hindi problema mo na yun. :) Ewan ko ba. I am not against them or what. Sana naman wag sila masyadong judgemental. Yun na! Hahaha. Nakakatawa lang kasi, baka wala silang kaibigan kaya ganun sila. Kaya? Hehe.
BABALA: MALALIM YAN PARE :D
--
Siya♥. Lagi na lang siya. Pero parang di ganun yung nararamadaman ko sakanya. Bakit kaya? Hmm. Di ko nga din alam eh. Pag-gisisng ko na lang kanina. Hahaha. :p Baka siguro dahil di kami nagkikita, or wala kong makitang effort na ginagawa niya para samen? Magsaksak ka na Bui. :D Hahaha. Wala kang kwenta eh. Oo wala talaga. :) Bakit ba kailangang problemahin kita? Sino ka ba? Ano ba kita? Lagi ko na lang yang tinatanong sa sarili ko. Na hanggang ngyon, hindi ko pa rin alam kung ano at sino ka sa buhay ko. Natatakot ako. Ewan. Alam mo naman siguro kung bakit. Ayoko nang ulit-ulitin pa. Hindi kita sinusumbatan. Totoo naman lahat ng sinasabe ko diba? Alam ko mahal mo pa din siya. Ikaw na mismo nagsabi saken. Tapos na lahat sa inyo. Sabe mo. Hindi ko alam kung dapat ba kong maniwala. Sinungaling ka. Sinabe mo na yan saken date, pero anu nangyare? Tssh. Hindi ko rin alam ang dahilan ng pag-balik mo. Para ano? Para saktan uli ako? Na-realize mo na ako talaga mahal mo? Ganun ba yun? Nakakagago ka. Promise. ;) Di ko alam ano pumasok sa kokote mo't naisipan mong bumalik. Kailangan pa ba kitang pagbigyan? Anung assurance ko na totoo na toh? Naguguluhan na ko. Ayaw na kitang isipin. Narrealize ko na din na wala ka talagang kwenta. :)
Masaya na ko eh. Ba't bumalik ka pa? :(
Labels: aww, eskool, love, wala